Nagbukas na ngayong Agosto 22 ang bagong taong panuruan 2022 – 2023 sa buong bansa kabilang ang Palawan National School (PNS) na nagpapatupad ng 100% harapang pagtuturo o Face-to-Face (F-to-F) classes.
Matatandaang nauna nang nagpatupad ng limitadong F-to-F ang PNS ang PNS noong Marso 2022 at nakakuha ng markang “Very Much Ready” kung kaya ay kwalipikado ang paaralan na ipagpatuloy ang full implementasyon nito ngayong bagong taong-panuruan.
Sa unang araw ng klase ay nagsagawa ang mga gurong-tagapayo ng bawat seksyon ng psychosocial activity upang mapalagay ang kalooban ng mga kabataan sa panunumbalik ng harapang pagkaklase na naudlot sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya.
Nagkaroon din ng inspeksyon at assessment ang Division at Regional Monitoring Team kaugnay sa naganap na unang araw ng klase. Magbibigay ng feedback ang grupo para sa lalong pagpapaigting ng sistema ng edukasyon.
Nananatili pa ring may pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral ang PNS sa buong Dibisyon ng Puerto Princesa na may kabuang bilang na 11290, kung saan ay 6931 sa Junior High School at 4359 sa Senior High School batay sa huling tala.
Kaugnay nito ay gagamit ang PNS ng shifting classes, pang-umaga ang mga baitang 7, 8, at 11 samantalang sa hapon ang 9, 10, at 12.