“FIRST DAY HIGH” PNS muling nagbukas para sa  full Face-to-Face Classes

“FIRST DAY HIGH” PNS muling nagbukas para sa full Face-to-Face Classes

Nagbukas na ngayong Agosto 22 ang bagong taong panuruan 2022 – 2023 sa buong bansa kabilang ang Palawan National School (PNS) na nagpapatupad ng 100% harapang pagtuturo o Face-to-Face (F-to-F) classes.

Matatandaang nauna nang nagpatupad ng limitadong F-to-F ang PNS ang PNS noong Marso 2022 at nakakuha ng markang “Very Much Ready” kung kaya ay kwalipikado ang paaralan na ipagpatuloy ang full implementasyon nito ngayong bagong taong-panuruan.

Sa unang araw ng klase ay nagsagawa ang mga gurong-tagapayo ng bawat seksyon ng psychosocial activity upang mapalagay ang kalooban ng mga kabataan sa panunumbalik ng harapang pagkaklase na naudlot sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya.

Nagkaroon din ng inspeksyon at assessment ang Division at Regional Monitoring Team kaugnay sa naganap na unang araw ng klase. Magbibigay ng feedback ang grupo para sa lalong pagpapaigting ng sistema ng edukasyon.

Nananatili pa ring may pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral ang PNS sa buong Dibisyon ng Puerto Princesa na may kabuang bilang na 11290, kung saan ay 6931 sa Junior High School at 4359 sa Senior High School batay sa huling tala.

Kaugnay nito ay gagamit ang PNS ng shifting classes, pang-umaga ang mga baitang 7, 8, at 11 samantalang sa hapon ang 9, 10, at 12.

Mga Magulang Dumalo sa PTA Orientation Bilang Paghahanda sa Balik-Eskwela sa Agosto 22

Mga Magulang Dumalo sa PTA Orientation Bilang Paghahanda sa Balik-Eskwela sa Agosto 22

Dalawang araw bago ang pagbubukas ng Palawan National School sa Agosto 22 ay nagdaos ng 1st Senior High School General PTA Meeting para sa mga mag-aaral ng Senior High School, umaga para sa Baitang 11 at hapon para sa Baitang 12.

Ito ay bahagi ng ginagawang paghahanda ng buong pamunuan ng PNS sa pangunguna ni Dr. Eduardo G. Santos, Punong-guro IV para sa bagong taong-panuruan 2022 – 2023 na ginanap sa Abueg Gymnasium, Agosto 19.

Naging tema ng pagpupulong ang “Rebuilding Better Days” kung saan ay tinalakay ang iba’t ibang agenda tungkol sa kalusugan at kaligtasan, mga rekord pampaaralan, paggabay at pagpapayo, at ulat ukol sa Brigada Eskwela.

Nagbigay ng pambungad na mensahe ang bagong talagang Kawaksing Punong-guro II ng SHS na si G. Marcelino L. Porcal at kanyang binigyang-diin ang pakikiisa ng lahat ng magulang sa iisang layunin na maihanda ang paaralan para sa ligtas na balik-eskwela. Kanyang pinasalamatan ang sakripisyo ng mga magulang bilang pangunahing katuwang ng paaralan sa pagtataguyod ng edukasyon.

Samantala, inilatag ni Dr. Santos ang mga programa, polisiya, at plano ng PNS para sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon tulad ng inobasyong Radio Frequency Identification (RFID) at pagtalakay sa kahalagahan ng pagsusuot ng uniporme.

Pagkatapos ng pangkalahatang pulong ay nagtungo ang mga magulang sa kani-kaniyang mga klasrum upang makilala ang tagapayo.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 4279 ang nakapagtala sa SHS na indikasyon ng 6% pagtaas kompara sa nakaraang taong populasyon.

PNS Hinirang na “Best Implementing School” para sa Brigada Eskwela 2021

PNS Hinirang na “Best Implementing School” para sa Brigada Eskwela 2021

Sa ginanap na MIMAROPArangal: Sinag Kahusayan Awarding Ceremonies ay iginawad sa Pambansang Paaralan ng Palawan ang kampeonato sa titulong “Best Implementing School para sa Brigada Eskwela 2021.” Nanguna sa katergoryang Mega School ang PNS sa lahat ng mga paaralang nominado sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

Nakuha din ng PNS ang ilang espesyal na parangal tulad ng “Most Prepared School” at “Best Partnership Engagement Activity.”

Tinanggap ang mga tropeyo at sertipiko ni Dr. Eduardo G. Santos, Punong-guro IV ng PNS sa Lungsod ng Tagaytay, Marso 23, 2022.

Ang nasabing parangal ay kaugnay ng School-Based Management at Brigada Eskwela na isang community partnership activity ng mga paaralan sa ilalim ng DepEd.

Masaya ang buong komunidad ng PNS sa isa na namang pagkilala sa mahusay na ugnayan ng paaralan at iba’t ibang stakeholders.

Congratulations, Ang Bagong PNS! Tunay kang Number 1!

Larawan kuha ni: Ronnie Caralipio

PNS Nakakuha ng Pinakamataas na Rating para sa Paghahanda sa Limited Face-To-Face

PNS Nakakuha ng Pinakamataas na Rating para sa Paghahanda sa Limited Face-To-Face

Tumanggap ang Palawan National School ng adjectival rating na “Very Much Ready” o may katumbas na na summary rating na 4.67, ito ang pinakamataas na marka mula sa 16 na paaralan sa lungsod ng Puerto Princesa na sumailalim sa inspeksyon ng Regional Validation Team kaugnay ng pagsasagawa ng limited face-to-face. 

Sinuri ang kahandaan at preparasyon ng PNS ayon sa tatlong areas kung saan ay nagtala ng 4.83 (VMR) para sa Area 1: Managing Schools Operations; 4.39 (VMR) para sa Area 2: Teaching and Learning; at 4.69 (VMR) para sa Area 3: Wellbeing protection and homeschooling coordination.

Sa ginanap na exit conference na dinaluhan ng composite team sa pangunguna ni Dr. Nicholas T. Capulong, Director VI, CESO III, ay binati niya at pinasalamatan ang mga lumahok na paaralan at prinsipal. Hinihimok rin niyang maaari nang magpatuloy sa aktwal na limited face-to-face ang mga nasabing paaralan simula sa susunod na linggo (Marso 21, 2022).

Masaya ang buong pamunuan ng PNS sa magandang resulta ng isinagawang balidasyon. Congratulations, PNS! 

 

 

Photo courtesy: Archie Barone

 

Photo courtesy: Jen Acuna

 

Photo courtesy: Jen Acuna

 

Photo courtesy: Toddy Aquino

 

Photo courtesy: Archie Barone

 

Photo courtesy: Jen Acuna

 

Photo courtesy: Jen Acuna

 

Photo courtesy: Toddy Aquino

 

Photo courtesy: Toddy Aquino

 

Photo courtesy: Toddy Aquino

 

Photo courtesy: Archie Barone

 

Photo courtesy: Medoly Domingo

 

Photo courtesy: Archie Barone

 

Photo courtesy: Archie Barone

 

Photo courtesy: Toddy Aquino

 

Photo courtesy: Toddy Aquino

 

Photo courtesy: Medoly Dominggo

 

Photo courtesy: Melody Domingo

 

 

Pin It on Pinterest

Share This